46

Jan 26, 2020 @ 17:03

Jaja pumalo ng kasaysayan

Umukit ng kasaysayan si power spiker Jaja Santiago nang maging first Pinay player na maka-achieve ng medalya sa international volleyball league.

Nitong Linggo, napataob nina Santiago at koponan nitong Saitama Ageo Medics ang Denso Airybees 25-22, 25-22, 25-20 upang masungkit ang bronze medal sa 2019 Japanese V.Premiere League na ginanap sa National Yoyogi Stadium sa Tokyo, Japan.

Nagtala si veteran middle hitter Santiago ng 10 points upang ma-sweep via straight sets ang kalabang panig.

Taong 2018 nang maging reinforcement si Santiago sa bansang Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?