jaja-santiago2

Jaja, MVP ng UAAP Season 80 women’s volleyball

Sharing is caring!

Pinangalanan bilang UAAP Season 80 women’s volleyball MVP si Jaja Santiago ng National University.

Nakuha rin niya sa ikaapat na sunod na season ang Best Spiker award sa kabila na hindi niya nadala ang Lady Bulldogs sa finals.

Tumapos na may 280 points para sa NU ngayong season si Santiago.

Dahil dito, naipanalo ng NU ang anim sa una nilang pitong laro bago nalaglag.

Tinalo sila ng defending champions De La Salle University sa straight sets sa Final 4.

Samantala, tinanghal naman na Best Scorer si Sisi Rondina ng University of Santo Tomas sa sinalansan na 296 points sa Season 80.

Best Blocker ng season naman si Celine Domingo ng FEU, Best Server si Desiree Cheng ng La Salle at Best Setter si Deanna Wong ng Ateneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?