163

Dec 22, 2019 @ 14:57
By

Jaja kabogera sa Japan

Patuloy ang pasiklab ni power hitter Jaja Santiago para sa koponan nitong Saitama Ageo Medics sa Japan VLeague nitong Sabado.

Umeskapo ang Ageo Medics kontra JT Marvelous, 21-25, 18-25, 28-26, 25-22, 25-13.

Kumawala ang veteran middle spiker ng 15 attacks at apat ng blocks upang matulungan ang koponan sa panalo.

Bukod rito, pumang-apat rin si Santiago sa talaan ng Best Spiker na may 47.6% attack efficiency hanggang petsang Disyembre 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?