35

Aug 16, 2019 @ 9:00
By

Jaja, Foton niligpit sa ika-3 sunod ang PLDT

Humambalos si Jaja Santiago at Foton nang todo upang ligwakin sa pangatlong sunod na pagkakataon ang PLDT Home Fibr sa quarterfinals, 16-25, 25-17, 25-17, 25-12, at pumalaot sa 7th Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019 nitong Huwebes ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Rumagasa ang No.3 seed Tornadoes Blue Energy para tapusin ang karera ng 6th rank PLDT midseason ng women’s professional volleyball.

Dumiliber para sa Tornadoes si Santiago ng 20 points, 14 mula sa atake, limang blocks at isang service ace.

“Nung first set kitang-kita naman na kargado yung service nila at the same time yung phasing namin is sumabay sa phasing ng PLDT, so na-rattle nawalan ng receive and yun nung second set sabi namin kailangan composed tayo and kailangan natin mag-focus dun sa goal natin,” talak ni Santiago.

Humambalos rin para sa Foton ang ate niyang si Aledona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat ng 15 markers at Marian Buitre ng 12.

“Finally, but you know I just want to appreciate and be grateful dun sa mga bata. Sila talaga ang nagpakahirap at very hard working kung paano namin daanan from eliminations, two rounds, and then now quarterfinals. The ladies also step-up,” suma ni coach Aaron Velez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?