145
Jaja dedma sa basher
Jun 27, 2019 @ 15:42
By

Jaja dedma sa basher

Cool at dedma lang si volleyball superstar at Foton Tornado middle blocker Jaja Santiago sa isang tweet ng fan na tila nangba-bash sa kilalang balibolista.

“Panalo muna kasi bago yabang hahahaha,” tweet ng basher na kinalaunan ay binura rin ang post.

Sumagot naman si Santiago ng “Oo nga po e. Sorry bawi po ko.”

Nag-post rin ang beteranong blocker ng “Hayaan natin sila, Thankful parin tayo sa mga taong yan kasi part sila ng pag grow natin. Isipin niyo nalang kung walang nag ki-criticize saatin at masyadong perfect buhay natin. Boring diba? Peace and love lang guys.”

Dahil rito ay lalo pang inidolo si Santiago ng kanyang mga fan.

Mensahe ni Avril Jam (@jamicarabbay), “Ang dahilan kung bakit mahal na mahal namin siya at patuloy ang pagsuporta sa kanya kahit saan. ILY idol @alyjasantiago03.”

“Thats why I really love @alyjasantiago03 ..di inaakyat sa ulo ang mga nakukuhang magandang opportunity..always on d ground kahit marami ng naprove..keep it up jing we will always be here for you,” tweet naman ni Janice (@jbtuanzon).

Sey naman ni Lay Ann Villanueva (@VillanuevaLay), “Iba ka talaga jaja ..isa ka sa mga idol ko .. Thank you at hindi ka patola sa mga bashers mo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?