57

Jun 16, 2020 @ 10:01

Jaja bumalik sa pagkabata

SUPER throwback na laro ang pinush ni volleybelle Jaja Santiago.

Ito ay matapos mamataan sa social media na enjoy sa pakikipagpatintero ang balibnolista.

Ang patintero ay isang tradisyunal na laro at isa sa pumatok na outdoor game noong panahon pa ng `black & white.’

Sa Instagram story ng kanyang kapatid na si Dindin, ipinasilip nito na nakikipagharutan habang nakikipagpatintero sa mga bata ang 24-anyos na si Jaja.

“Patintero with the kiddos! Ang kukulit,” saad sa caption ni Dindin.

Dapat ay sasabak ang outside hitter sa Ageo Medics ng Japan V-League ngunit dahil sa banta ng COVID-19 ay naunsyame ito. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?