86

Oct 29, 2019 @ 16:26
By

Jaja binisita ang mga amiga sa Japan

Hindi nagpahuli sa pagsuporta ang Foton middle blocker na si Jaja Santiago sa Philippine women’s volleyball team nang bumisita ito sa kanilang 12-day training camp sa Japan.

“Hindi ko talaga palalampasin ‘yung chance na mabisita sila,” pahayag ni Jaja bilang pagpapakita ng suporta sa Team ‘Pinas kahit hindi siya makakalaro dahil sa kanyang commitment sa Japan.

Naghandog rin ng dinner para sa national team ang vice president ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. at National Team program head na si Peter Cayco at Sec-Gen Ariel Paredes kasama ang mga bisita at para makipagkita kay Vice-Consul Thomas Aquino.

Wala namang ibang hinangad si Aquino sa team at tiniyak niya na full-support ito at kanyang hiniling na maging matagumpay ang tatahakin ng national team sa paparating na SEA Games.

“I hope that everything works out here and we wish them the best for the SEA Games,” ani Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?