46

Jan 20, 2020 @ 18:18
By

Jaja, Ageo Medics nagpabibo sa Japan League

Gumawa ng kasaysayan sina Jaja Santiago at Saitama Ageo Medics matapos makapasok ang koponan sa semifinals ng Japan V. Premier League Division 1 Star Conference.

Limang set ang kinailangan ng Ageo Medics, 25-20, 16-25, 23-25, 25-23, 15-12, upang pabagsakin ang NEC Red Rockets nitong Linggo.

Lumagare si Santiago ng 20 points, 17 mula sa atake habang ang co-reinforcement nitong si Katarina Barun ay nagpakawala ng 26 points.

Pumangalawa ang Ageo Medics tangan ang tatlong panalo sa talaan ng Group A at para makapasok sa Final 8 ng torneo.

Makakaharap ng Ageo Medics ang top seed team na JT Marvelous ng Group B sa susunod na linggo para sa semis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?