22

Oct 30, 2020 @ 10:30
By

Jail officer na umano’y lider ng drug group tumba sa shootout

Napatay sa shootout sa Calamba, Laguna ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa San Pablo City noong Huwebes ng umaga.

Sa ulat, kinilala ang suspek na si Jail Officer 3 Joseph Rey Villegas, 49, na lider diumano ng Villegas Drug Group na nag-o-operate sa Calamba City at Tanauan City, Batangas.

Naglunsad ng buy-bust operation laban kay Villegas sa Barangay Road ng Barangay Bunggo bandang alas-10:10 ng umaga.

Isang undercover agent ang bumili ng shabu sa suspek sa halagang P1,000 pero agad naglabas at nagpaputok ng baril ang huli matapos maramdaman ang presensiya ng mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis kaya nasugatan si Villegas, na nadala sa ospital pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?