85
pulis
Jan 10, 2018 @ 11:11
By

Jail officer inatake sa puso sa Traslacion, patay!

Nasawi ang isang Jail officer sa ginanap na Traslacion ng Black Nazarene kaninang madaling-araw.
Sinasabing umakyat sa andas ang debotong si Senior Jail Officer 4 Ramil Dela Cruz  at pagbaba nito ay dumaing na ng paninikip ng dibdib pasado alas-12:30 kaninang madaling-araw.
Binigyan naman ng atensiyong medical si  SOJ4 Dela Cruz na dumaing din ng pananakit ng tiyan na umano ay dahil sa kanyang pagiging hyperacidity.
Dahil dito, sinikap ng medical team  mula sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office na dalhin sa Jose Reyes Medical Center ang biktima kung saan siya ay dead on arrival.
Sa inisyal na impormasyon mula sa MDRRMO, sinasabing amoy-alak o nakainom ang biktima.
Samantala, naging maayos at mapayapa sa kabuuan ang katatapos na Traslacion ng Black Nazarene.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?