13

Jan 15, 2021 @ 15:30
By

Jail guard itinumba sa Danao

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang jail officer sa Danao City, Cebu matapos barilin kagabi, January 14.

Kinilala ng Danao City Police Station ang biktimang si Jail Officer 2 Reymond Roble Vasquez, 34.

Walong hindi pa kilalang indibiduwal ang kinokonsiderang mga suspek sa pagpatay kay Vasquez alas-10:30 ng gabi sa Sitio Sta. Cruz, Barangay Dunggo-an.

Nangyari ang pamamaril sa harapan ng Bureau of Jail Management and Penology – Danao City office.

Naka-duty umano noon ang biktima sa labas ng BJMP-Danao nang tambangan.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa ulo habang tadtad din ng butas mula sa mga bala ang sasakyan niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?