71

By

Jagna, Bohol mayor patay matapos atakehin sa puso

Sharing is caring!

Pumanaw si Jagna, Bohol Mayor Fortunato Abrenilla dahil sa cardiac arrest nitong Lunes ng umaga sa edad na 69.

Ayon sa report, dinala si Abrenilla sa Teodoro B. Galagar District Hospital sa bayan ng Jagna matapos dumaing ng pananakit ng dibdib.

Namatay umano ito ng ala-una ng madaling-araw nitong Lunes.

Walang iba pang detalye na inilalabas ang pamilya ng alkalde hinggil sa insidente.

Si Abrenilla ay dating legal staff director ng National Economic Development Authority (NEDA).

Dahil sa pagpanaw ng alkalde, humalili sa kanya si Vice Mayor Bonifacio Virtudes Jr., habang pumalit sa pagka-vice mayor si Councilor Rodrigo Lloren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?