24

May 5, 2020 @ 14:29
By

Jaen nagdiwang ng pista, buhay na manok pinamigay

Dahil sa hindi nakapagdiwang ng pistang bayan sa town proper sa Jaen, Nueva Ecija na dapat ay Mayo 4-5 ang selebrasyon, ayudang bigas at manok na lang ang ibinahagi.

Nanguna si Mayor Sylvia Austria sa pamamahagi na maituturing ng ikatlong wave ng relief operations sa panahon ng pandemic COVID-19.

Tiniyak pa ng alkalde na tuloy tuloy pa rin ang ipinagkakaloob na pension para sa mga senior citizen at tulong medical sa mga sanggol, mga buntis, may karamdaman ng tuberculosis at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?