199
never-not-love-you1
Apr 1, 2018 @ 19:08
By

JaDine tiba-tiba sa takilya

Hindi romantic-comedy ang Never Not Love You nina James Reid at Nadine Lustre at lalong hindi sila pa-tweetums sa pelikulang ‘yon, huh! Hindi nga nagpapakilig ang Never Not Love You at talagang malalim ang pelikula at sinasabi ngang first ‘adult’ movie ng JaDine loveteam, pero ‘binili’ pa rin ‘yon ng mga fan dahil masasabing blockbuster ‘yon nang magsimulang ipalabas sa mga sinehan noong Saturday o ang tinatawag na Sabado de Gloria.

Nakipagpukpukan nga ang pelikula sa Hollywood movie na kasabay nila. Ang sabi, more than P10 million (o mas malaki pa) ang kinita ng pelikula.

Marami kaming mga kilala na noong bumalik sa Maynila noong Saturday galing sa bakasyon ay dumeretso na sa mga sinehang pinagpapalabasan ng Never Not Love You.

In fairness nga pala, hindi lang sa box-office panalo ang JaDine dahil puring-puri rin ang acting nilang dalawa sa pelikula.

Maganda rin talaga ang pagkakagawa ni Direk Antoinette Jadaone sa Never Not Love You, kaya hindi ako magtataka kung kahapon ay mas lalo pa itong lumakas sa box-office, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?