707

Jan 2, 2020 @ 12:58
By

JaDine breakup Nobyembre pa pumutok sa Abante Tonite

Nabuwag na ang real-life partnership ng isa sa pinakasikat na love team sa bansa, ang JaDine.

Naunang pumutok ang break-up sa Abante Tonite ni showbiz columnist Mildred Bacud noon pang Nobyembre, ngunit muling umugong ang balita matapos i-report ng isang online showbiz portal nitong New Year.

Sey sa iskup ng Abante Tonite, walang klarong rason ang split ng dalawa ngunit posibleng nakaapekto ang pag-alis ni James Reid sa Viva.

Kapansin-pansin din na huli pang nag-post si James sa social media ng picture nila ni Nadine Lustre noon pang Halloween nang nakaraang taon.

May cryptic Instagram post pa si Nadine bago pumasok ang 2020 na may caption na: “for good reason, lost all of my love.”

View this post on Instagram

for good reason, lost all of my love.

A post shared by NL (@nadine) on

Wala pang confirmation mula kina Nadine at James tungkol sa break-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?