170

Jul 6, 2019 @ 21:59
By

JaDine balik tambalan sa komersyal

Balik tambalan on screen ang JaDine pero sa ads lang muna ngayon ng isang sikat na shopping app.

Ads palang ay tuwang-tuwa na ang mga fan at di maitatangging sabik na makita muling magkasama ang kanilang idolo on screen.

Ang JaDine raw ang bagong mukha ngayon ng nasabing shopping app kung saan may pahapyaw na ngayon sa social media ang kanilang mga shoot para sa naturang app. Isang taon na kasi mula nang hindi sila makita on screen bilang magkatambal, dalawang movie na nga ni Nadine Lustre ang inilabas/ ilalabas na hindi si James Reid ang kanyang partner gaya ng “Ulan” na ang partner ni Nadine ay si Carlo Aquino at ang “Indak” kung saan kasama naman ni Nadine si Sam Concepcion.

Matatandaang huling nagkasama sa big screen ang dalawa sa hit movie pa nilang “Never Not Love You.” Kaya tanong ng taumbayan ay kung kailan magkakaroon ulit ng JaDine movie?

Hanga parin naman ang mga fan sa matatag na relasyon ng dalawa na kahit may kanya-kanyang project. Full support din si James kapag may premier night, hindi niya iniiwan si Nadine. Gayon din kay Nadine, dinadalaw si James sa “Idol Philippines.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?