275

Dec 9, 2017 @ 13:25
By

Jaclyn pumalag sa AlDub fans

Na-experience na rin ng award-winning actress na si Jaclyn Jose ang ma-bash ng mga AlDub fans dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang anak na si Andi Eigenmann at sa apo na si Ellie.

Nadadamay daw kasi sa galit ng AlDub fans kay Jake Ejercito ang kanyang anak at apo. Kaya sa Instagram account niya ay may pinadala siyang mensahe sa mga mapanirang fans nila Alden Richards at Maine Mendoza.

Pero hindi nagtagal ay tinanggal ni Jaclyn ang IG post niyang iyon dahil sa bashing na natanggap niya.

Kahit na wala na ang post na iyon ni Jaclyn, ‘di pa rin nakuntento ang AlDub fans at patuloy na bina-bash si Jaclyn sa pagtatanggol nito kay Jake dahil ama ito ng kanyang apo.

“Takot na takot naman ako. Nag-delete ako kasi may nag-advice sa akin ‘wag patulan ang mga bashers at hindi makabuti sa pamilya ko ang ginagawa ninyo,” sey pa ni Jaclyn.

May ilang netizens naman ang nag-defend kay Jaclyn laban sa mga mapanghusga at bastos na AlDub fans. Dapat daw ay nirerespesto ang tulad ni Jaclyn dahil isa itong premyadong aktres ng bansa. Kung ano ang opinion nito sa social media, dapat bigyan ng respeto dahil alam nito ang sinasabi niya.

Ang pakiusap lang ni Jaclyn, ay siya na lang ang i-bash at huwag idamay ang anak at apo niya na wala naman daw kinalaman sa issue nila Maine at Jake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?