46
abante-tnt-vismin-ellie
By

Jaclyn makikipagpatayan para kay Ellie

Sharing is caring!

Nagsalita ang award-winning actress na si Jaclyn Jose tungkol sa pagbebenta ng kanyang anak na si Andi Eigenmann ng mga luxury item nito para sa mas simpleng buhay sa Baler, Aurora.

Umiiwas pa rin daw si Andi sa mga basher niya sa social media kaya mas pinili na nitong mamuhay ng simple at tahimik sa probinsya. Pero ayon kay Jaclyn, hind naman daw totally iiwan ni Andi ang showbiz.

“First of all, this is her only bread and butter, let’s see kung hanggang saan siya tatagal and this is really her passion and her commitment is in this industry.

“But if she gets to choose baka hindi niya na piliin mag-showbiz dahil sa sobrang panglalambaste sa kanya ng mga tao, ‘yung talagang nakakalungkot din.

“Kahit naman ako, mag-post lang ako may sinasabi na, sa tanda ko na ito, kung baga kahit wala na silang karapatan, walang respeto mga bata ngayon. Hindi ko rin naman alam kung sino ‘yang mga ‘yan.

“Kahit anong gawin naman talaga namin ‘eh, kahit anong gawin ni Andi mali ‘eh. Wala naman ng ginawang tama si Andi sa netizens ‘eh,” himutok ni Jaclyn.

Kahit na victim si Andi ng bullying sa social media, ito pa raw ang nagpapayo sa kanyang ina na dedmahin nito ang mga bastos na netizens.

“Sabi sa’kin ni Andi, “Nay, ‘wag mo na sagutin, mga trolls ‘yan. The more you answer them back, the more they’re happy.

“Minsan kasi kapag apo ko na ‘yung dinadamay, talagang lumalaban talaga ako,” ngitngit pa ng aktres, na makikipagpatayan talaga para sa apo niya.

Pero malaki ang paniniwala ni Jaclyn na kakayanin ni Andi ang napiling buhay nito ngayon.

“She saw everything that I do. She knows how to be professional, she knows how to handle her job well. She’s very good at it,” pagtapos pa ni Jaclyn Jose.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?