402

Feb 25, 2020 @ 12:00
By

Jaclyn Jose: ‘Wag kontrolin, singilin ang mga anak

“Hindi dapat obligahin ang anak na tuparin ang pangarap ng kanilang mga magulang.”

Ito ang sey ni Jaclyn Jose ukol, sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng pangingielam ni Mommy Divine sa kasal ng kanyang anak na si Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli.

Bagaman nilinaw ng beteranong aktres na hindi siya nakikisawsaw sa issue, pinunto lang niya na dapat hayaan ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak dahil “at the end, they will be more responsible.”

“It is our responsibility [as] parents, i am a single mom of 2, i worked so hard to make them feel that everything was ok napuputulan ng ilaw o d makabayad rental but that doesnt mean na ipapasa ko problema ko sa mga anak ko,” sey ni Jaclyn.

“i havent get a single centavo sa mga anak ko. Kakayanin ko lahat para sa mga anak ko. i did all my best to raise them happy land..no controlling para pag time naman nila, gawin nila naman para sa mga anak nila,” sambit pa nito. “[U]s parents must understand our children, let them leave madadapa yan pero babangon kung hahayaan natin sila..at wag obligate your children to pay your dreams they have their own too.”

Ngayo’y burado na ang Instagram post ni Jose na pinaskil kagabi, Pebrero 24, sa Reddit thread na pinamagatang “A small OP-ED piece by Jaclyn “Magda” Jose regarding the MD controversy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?