30

Jan 22, 2021 @ 17:55
By

Jaclyn Jose kay Andi Eigenmann: Dahan-dahan sa paggawa ng bata!

Proud mother si Jaclyn Jose sa kanyang anak na si Andi Eigenmann dahil sa matagumpay nitong panganganak kay Baby Koa noong Lunes.

Aniya, masaya siya para sa anak niya dahil sa pagiging matapang na ina nito.

“I am very happy for Andi, ang lakas ng loob niya. She’s a very strong woman, wow! Lumabas na ng ospital, nakauwi na, andun na ang baby,” ani Jose sa isang panayam.

Sambit niya, pinayuhan niya si Andi na magpahinga muna matapos ang ikatlo nitong panganganak.

“Sabi ko lang sa kanya, dahan-dahan muna tayo ng konti. After three years na uli, pahinga muna!” wika niya.

Dadag pa niya, bilib siya sa pagiging matatag ng kanyang anak.

“Bilib ako sa tapang niya on how to handle things, kung paano niya harapin at mahalin ang buhay ng masaya. Nasasaktan at nagagalit din siya pero very positive pa rin siya! Eto ang buhay niya – she’s very happy!” sambit ni Jose.

Kasalukuyang tatlo na ang chikiting ni Andi.

Sina Lilo at Baby Koa ang anak ng aktres kay Philmar Alipayo.

Si Ellie naman ang panaganay na anak niya sa dati niyang kinakasama na si Jake Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?