18

Nov 23, 2021 @ 15:13
By

Jackson sinalba Memphis kontra Utah

Ipinasok ni Jaren Jackson Jr. ang isang three-pointer may 5.7 segundo sa orasan para dalhin ang Memphis Grizzlies sa 119-118 panalo kontra Utah Jazz ngayong Martes.

Lamang ang Jazz, 118-116, bago sumalaksak si Ja Morant at binigay ang bola kay Jackson na ‘di nag-alinlangan at tinira ang tres na nagbigay ng lamang sa Grizzlies.

Tinangka pa ni Donovan Mitchell na isalba ang Utah ngunit mintis ang kanyang jumper sa huling possession.

Tumapos si Jackson ng may 26 points at walong rebounds, na sumuporta sa 32 points at pitong assists ni Morant.

Nag-ambag pa si Desmond Bane ng 28 points para sa Memphis.

Bumida naman para sa Jazz si Bojan Bogdanovic sa kanyang 24 points, habang may 23 points si Rudy Gobert at 19 para kay Mike Conley. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?