19

By

Jackpot prize sa Grand Lotto, aakyat sa P131M

Sharing is caring!

Umabot na sa P131 million ang premyo para sa Grand Lotto 6/55 na bobolahin sa Sabado.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pang nakakadale sa jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola noong Miyerkoles na umabot na sa P125,361,196.00 para sa winning combinations na 47-14-46-25-53-07.

Samantala, mayroong 18 na mananaya ang nakakuha ng limang numero at nanalo ng P74,830.00 bawat isa.

Matatandaang huling napanalunan ang Grand Lotto 6/55 noong Setyembre ng nag-iisang mananaya mula sa Barotac Nuevo, Iloilo na nakapag-uwi ng P53.4 milyon.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?