21

By

Jackpot prize ng 6/58 Lotto, lalagpas sa P1.2B!

Sharing is caring!

Nananatiling mailap ang jackpot prize sa Ultra 6/58 lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Wala pa rin nakakuha ng nanalong kombinasyon na 28-14-54-50-17-27 na may premyong P1.12 bilyon.

Inaasahan ng PCSO na ang jackpot prize ng Ultra lotto ay hihigit na sa P1.2 bilyon sa linggo, ang pinakamalaki sa higit dalawang dekada ng lotto sa bansa.

Huling tinamaan ang jackpot prize sa 6/58 lotto noong Pebrero 15, ayon kay Florante Solmerin, ang deputy spokesman ng PCSO.

Samantala, sa Mega lotto 6/45 draw, ang nabunot na mga kombinasyon ay 23-26-12-10-36-30.

Paghahatian ng dalawang mananaya ang P72.7 milyong jackpot prize.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?