244

May 13, 2019 @ 15:52
By

Jackpot ng Super Lotto at Ultra Lotto, nadale ng 2 mananaya

Nasapol ng dalawang masuwerteng mananaya ng Super Lotto 6/49 at Ultra Lotto 6/58 ang jackpot prize nito sa ginanap na draw noong Linggo ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO), nasungkit ng nag-iisang mananaya ang winning combination na 25-31-07-28-18-27 na mayroong jackpot prize na P142,668,428.80 sa Super Lotto 6/49.

Habang isa ring mananaya ang nakadale sa Ultra Lotto 6/58 jackpot na P72,169,131.40 para sa winning combination naman na 06-17-04-26-08-15.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola at mapapanood nang live tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Linggo, Martes at Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?