54

Aug 30, 2021 @ 16:00
By

Jackpot! 13-kilo higanteng isda nalambat sa IloIlo

Tunay ngang biyaya ng tubig ang nabingwit ng isang mangingisda sa isang ilog sa Baluarte, Molo sa Iloilo City.

Kwento ni Art Felix Mesa, nakabingwit siya ng higanteng isda sa Iloilo River na may bigat na 13 kilo at may haba umanong 1 metro.

Ani Mesa, isa itong “bugay sang suba” o biyaya ng ilog.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, naging masagana sa isda ang naturang ilog simula nang linisin ito ng mga opsiyal ng Iloilo City.

Batay sa report, nagpakawala rin ng mga maliliit na isda ang kanilang LGU bilang pangtawid gutom sa mga mangingisda na nakadepende ang hanapbuhay sa ilog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?