863

By

Jackie Rice, Roxanne Barcelo at Denise Laurel, nag-‘battle of the boobs’ sa socmed

Sharing is caring!

Meron bang battle of the boobs o cleavage sa social media ng mga kilala at sikat na mga female star?

Kasagsagan ng ulan kahapon nang maglabasan ng kani-kanilang mga sexy photos ang ilan sa mga Kapamilya at Kapuso stars na akala mo ay may kompetisyon ng pagandahan, palakihan at patalbugan at pasilipan ng kanilang mga cleavage.

Nangunguna sa hilera ng battle of the boobs-cleavage photo ay si Jackie Rice na nag-post ng larawan niya sa IG na halos lumuwa ang kanyang dibdib sa posing nito.

Kuha sa batuhan ang half-body shot ni Jackie. Busog na busog ang dibdib ni Jackie sa pose niyang ito. Nai-alsa ng magkabilang hita at tuhod niya ang kanyang mga ‘bundok’ kaya parang lalabas sa suot niyang bikini bra ang upper bumper niya.

Sa paningin ng mga kalalakihan, nakakapaglaway naman talaga at nakakapag-init ang larawang ito ni Jackie.

Sumunod ay si Roxanne Barcelo na nakaupo lang na suot ay isang mahabang dress. Mababa ang neckline ng damit nito.

@roxannebarcelo, “We will need to take a breather.”

Parang puwet ng bata ang pagkakasilip ng boobs ni Roxanne sa mababang neckline ng damit. Kahit sinong barako ang makakita ng alindog nito ay hindi makakahinga na malayo sa mensahe niyang “we will need to take a breather.”

Hindi rin naman nagpakabog si Denise Laurel na nag-post ng kanyang photo sa ilalim ng mga dahon o halaman.

Nakatali sa ibaba ng kanyang dibdib ang suot niyang white top. Naka-side view ang Kapamilya star kaya naman masisilip ang magandang hubog ng kanyang dibdib.

In fairness, kahit nagka-anak na ang aktres, isang certified hot-momma si Denise na kahit sinong mga baguhan ang magtangkang tapatan ang kanyang alindog ay kakain ng alikabok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?