47

By

Jackie Rice ganda lang ang puhunan, bano namang umarte

Sharing is caring!

Dumaan na sa bagsik ni Gina Alajar sina Yasmien Kurdi, Mike Tan at Jackie Rice sa StarStruck noon, kung saan isa sa mentors ang premyadong akres at mahusay na direktora.

Inalala ni Direk Gina that time si Jackie na ganda lang ang puhunan pero hindi masyadong seryoso sa career na pinasok. Pero ngayon, laking gulat niya na seryoso na ito sa karera niya.

Kasama ni Gina si Jackie sa coming GMA afternoon series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan kapwa nila pahihirapan si Yasmien. Bilib ang direktora kay Yasmien dahil wala siyang reklamo sa panggugulping ginagawa niya sa mga unang eksenang nakunan nila.

Ang series na ito ang tinatawag na advoca-serye dahil tatalakayin nito ang epekto ng pagkakaroon ng HIV/AIDS ng isang tao para na rin madagdagan ang kaalaman ng manonood sa sakit na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?