938

Feb 5, 2019 @ 17:15
By

Jackie Rice ayaw mag-asawa, gusto lang magpalahi

Matapos makipag-break si Jackie Rice sa kaniyang non-showbiz boyfriend ay nanatiling zero ang love life nito.

Hindi umano pinanghihinayangan ng Kapuso actress ang naging break-up niya sa kaniyang ex-boyfriend na nakarelasyon sa loob ng 8 taon.

Saad ng aktres, nanatili silang magkaibigan ng ex-bf at tila wala nang pag-asang magkabalikan ang dalawa.

Nagkaroon na aniya ng girlfriend ito matapos nilang maghiwalay at mukhang masaya naman sa buhay.

Samantala si Jackie Rice ay nanatiling single mula noon.

Biro nito, baka babae umano ang talagang gusto niya dahil may mga nanliligaw naman sa kaniya pero walang napupusuan ang aktres.

“Galing sa eight years, laging ganun, e, ayoko naman silang mag-suffer, parang ganun,” saad nito.

Sa isang interview ng pep.ph sa aktres ibinahagi nitong mas gusto nitong magkaanak kaysa magkaroon ng bf o asawa.

“Gusto ko nga magka-baby lang, e, ayoko ng boyfriend, ayoko ng asawa. Gusto ko lang magpalahi, charot! Hahaha! ” biro ng aktres.

Ipinaliwanag ni Jackie na kaya ganoon ang gusto niyang mangyari dahil may nakapagsabi sa kaniya na ang sikreto upang manatiling diyosa kahit na may edad na ay ang hindi mamroblema sa lalaki.

Dagdag pa nito, hindi umano siya naniniwala sa kasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?