318

Jackie Forster muling nakasama sina Andre, Kobe

Sharing is caring!

Napaaga ang selebrasyon ng Mother’s Day kay dating aktres Jackie Forster nang muli niyang makasama ang kanyang mga anak na sina Andre at Kobe Paras matapos hindi magkita ng halos 12 taon.

Bago magkita noong Sabado, ikinuwento ni Forster sa PEP kung paano sila nagkaayos matapos mawalay ng mahabang panahon.

Sabi ni Forster, si Kobe ang unang kumausap sa kanya noong Enero habang siya ay nasa London at nasa California naman ang kanyang bunso.

Inimbitahan pa nga siya ni Kobe na bisitahin siya sa California kung saan siya nag-aaral noon.

Subalit hindi naman umano niya agad na napagbigyan ang anak dahil abala sa kanyang mga responsibilidad sa London.

Subalit ang kanyang asawa ang nag-ayos ng ticket para magkita silang mag-ina. Enero 25 na magtungo siya sa Los Angeles para makita na si Kobe.

“First of all, it didn’t feel real… like I thought I was floating. Parang manhid ka na hindi mo alam. I didn’t wanna wake up. I feel like I’m just gonna wake up and this was a dream because for years, that’s all I’ve been doing, dreaming for that day,” sabi ni Forster sa panayam ng PEP.

Halos isang buwan umano siyang naglagi sa LA. Nagdesisyon ang mag-ina na isikreto na lang ang kanilang pagkikita.

Nang bumalik na si Kobe sa Pilipinas nitong mid-April, hiniling din ng binata na sumama siya kanya.

Si Kobe din umano ang naging daan para magkausap din sila ng kanyang panganay na si Andre.

Si Kobe at Andre ay anak nina Forster at dating PBA great Benjie Paras. Ikinasal sila noong 1994 subalit naghiwalay noong 2001. Na-annul ang kasal noong 2003 subalit ibinigay ang kustodiya nina Andre at Kobe kay Paras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?