448

By

Jackie Chan nalulong sa alak, nangaliwa ng asawa

Sharing is caring!

Sa kanyang biography na may pamagat na “Never Grow Up”, isiniwalat ni “Rush Hour” star Jackie Chan na nagtaksil siya sa misis, gumamit ng prostitute at nalulong sa alak.

Ayon sa report ng South China Morning Post, hindi rin umano napigilan ni Chan ang pag-inom ng alak kung saan kahit umaga ang call time nila ay darating siya ng tanghali na nakasuot ng dark glasses para lang maitago ang namamaga niyang mukha mula sa magdamagang pag-iinom.

“I drove drunk all the time. One before lunch, one after lunch. In the morning I’d crash my Porsche, then in the evening I’d total a Mercedes-Benz. All day long, I went around in a haze,” sabi ng action star.

Nasaktan din umano nito ang kanyang anak sa asawang si Joan Lin na si Jaycee.

Ikinuwento rin nito na nagtaksil siya kay Lin taong 1999 na isa umanong “serious mistake”.

Nagkaroon umano sila ng affair ni 1990 Miss Asia Elaine Ng kung saan nagkaroon sila ng anak, si Etta.

Maraming beses din umano siyang bumisita sa pokpok na kilala lang niya sa tawag na Number Nine.

“The girl who served me [in the club] – I knew her as Number Nine – was beautiful, with a sweet personality,” aniya sa libro hinggil sa kanyang buhay.

Nakilala niya ito nang bumisita siya sa isang club noong nag-uumpisa pa lang ang kanyang career.

Sa kabila ng lahat ng kanyang pagkakamali ay hindi siya iniwan ni Lin at hanggang ngayon ay kasal pa rin sila.

“I know you must be feeling awful now. Don’t worry about me, I’m fine. You go deal with this,” ani Lin kay Chan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }