24

Jul 13, 2021 @ 11:17
By

Jackie Chan gusto pumasok sa Chinese Communist Party

Target ni Jackie Chan na mapabilang sa Chinese Communist Party, ayon sa report ng Global Times.

“I can see the greatness of the ruling party and it will deliver what it says, and what it promises in less than 100 years, but only a few decades,” ayon kay Chan.

Si Chan ay kilalang pro-China, sa kabila ng pagiging residente nito ng Hong Kong.

Noong 2013 ay naging miyembro si Chan ng Chinese People’s Political Consultative Conference, ang advisory council ng China.

Matatandaan na nagkaroon ng malakihang protesta sa Hong Kong, bilang pagpalag sa kontrol ng China, partikular sa extradition law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?