21
Jack Ma, nangako ng 500K face masks sa ‘Pinas
Mar 19, 2020 @ 17:56
By

Jack Ma, nangako ng 500K face masks sa ‘Pinas

Nangakong magdo-donate ng 500,000 face masks si Alibaba Group founder Jack Ma sa administrasyong Duterte para tulungan itong labanan ang pagkalat ng COVID sa bansa.

Sabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, nangako si Ma na magpapadala ng 500,000 na face masks ngayong linggo o early next week sa ilalim ng Jack Ma Foundation at ng Alibaba Foundation.

Sa pahayag ng DOF, sinabi nitong nagbigay din si Ma ng downloadable electronic handbook na maaring makatulong sa mga doktor, nars at iba pang healthcare workers manatiling ligtas habang ginagamot ang mga COVID-19 patient.

Sabi ng DOF, nakalagay sa handbook kung ano ang mga aral na natutunan ng China sa pagpuksa dito kaya’t 96% sa mga pasyente nito ang gumaling in the end at wala nang mga doctor at nars na nahawa pa ulit.

Nauna nang nag-donate si Ma ng face masks sa bansa na ipinadaan niya kay Senador Manny Pacquiao. Bago pa rumagasa ang COVID-19 sa bansa, nagkakaubusan na ng face masks dahil pumutok ang Taal nung Enero at umabot hanggang Bulacan ang ashfall nito.

Pinagmalaki pa ni Senador Richard Dick Gordon na nakapagpalabas siya ng 1 milyong masks para i-donate sa China at nadala ang mga ito doon sa loob lamang ng 24 oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?