10

By

Jack Ma nalalapit nang magretiro, Daniel Zhang hahalili

Sharing is caring!

Isang taon na lang ang ilalagi ni Alibaba co-founder Jack Ma sa kompanyang kanyang tinulungang pausbungin na nakatakdang magretiro isang taon mula ngayon, Setyembre 10, 2019.

Bilang kapalit, tinapik ang Alibaba CEO Daniel Zhang para maging chairman ng multi-billion-dollar company habang mananitili namang board member si Ma hanggang sa annual general shareholders’ meeting sa 2020.

Pabor naman si Ma sa pagkakatalaga kay Zhang bilang bagong chairman, inilarawan ang kapalit bilang “demonstrated his superb talent, business acumen and determined leadership” since taking over as CEO. Under his stewardship, Alibaba has seen consistent and sustainable growth for 13 consecutive quarters. His analytical mind is unparalleled, he holds dear our mission and vision, he embraces responsibility with passion, and he has the guts to innovate and test creative business models.”

Sa kanyang pagreretiro, sinabi ni Ma na mananatili pa rin siyang parte ng Alibaba Group of companies at mananatiling nasa likod ng kompanya.

“I also want to return to education, which excites me with so much blessing because this is what I love to do. The world is big, and I am still young, so I want to try new things – because what if new dreams can be realized?! The one thing I can promise everyone is this: Alibaba was never about Jack Ma, but Jack Ma will forever belong to Alibaba.” panapos ni Ma. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?