114

Jan 24, 2021 @ 13:07
By

Jack Ma lumitaw na

Nagpakita na sa publiko ang bilyonaryong Tsino na si Jack Ma pagkatapos ng halos tatlong buwan.

Inulat ng state-backed news outlet na Tianmu ang video ng pagbibigay-mensahe ni Ma sa Rural Teacher Initiative event noong Miyerkoles, Enero 20.

Nakasaad din sa Jack Ma Foundation ang paglahok ng Alibaba co-founder sa nasabing online ceremony.

Itong sinasabing pagkawala ni Ma ay kasunod ng kontrobersyal niyang speech sa isang Shanghai financial forum noong Oktubre 24, 2020.

Sa speech, tinuligsa ng bilyonaryo ang regulasyon ng China sa financial system at inihalintulad ang banking rules nito sa “old people’s club.”

Dahil dito, pinahinto ni China President Xi Jinping ang initial public offering ng Ant Group ni Ma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?