50

Dec 11, 2019 @ 21:17
By

Jack hindi naniniwala sa suwerte

Nag-iwan ng marka sa kanyang karera ang taong ito para sa National University women’s basketball star na si Jack Animam matapos makamit ang kampeonato sa UAAP women’s basketball tournament Season 82 at dalawang ginto sa 30th SEA Games.

Bagama’t dinomina nito ang 3×3 at 5v5 Gilas basketball team, aminado ang 6-foot-2 center na hindi naging madali sa kanyang paglalakbay ang tagumpay dahil para rin itong dumaan sa butas ng karayom gaya ng pagkakakuha niya ng injury sa kanyang mata matapos mapuruhan sa pre-Olympic qualifying tournament kontra South Korea.

“It’s just that siguro I’m blessed. And siguro all the hard work we’ve put every year kaya siguro ganito ‘yung naging kinalabasan ng career namin. Pero nung season namin na walang talo it’s just pure hard work and sacrifices talaga,” pahayag ni Jack sa panayam ng Abante TNT.

Inamin din nitong puso at pawis ang pinuhunan ng kanyang koponan. “Hindi kami maswerte lang. Talagang trinabaho namin `to,” panapos pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?