27

By

Jaafar ‘first time’ makapasok sa Camp Aguinaldo

Sharing is caring!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapasok sa Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman for Political Affairs at Bangsamoro Transition Commisioner Ghadzali Jaafar at mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col Noel Detoyato, inimbitahan mismo ni AFP Chief Of Staff General Carlito Galvez Si MILF vice chairman for political affairs at Bangsamoro Transition Commisioner Ghadzali Jaafar at ang sampung Commissioner.

Layunin aniya ng pagbisita na maipakita sa publiko na nagkakaisa ang AFP at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa harap na patuloy na pagtalakay sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Isang programa ang isinasagawa sa headquarters ng AFP sa Camp Aguinaldo matapos ang ginawang welcome ceremony sa mga ito.

Matatandaang limang taon na ang nakakalipas nang magkasundo ang MILF at gobyerno dahil sa isinusulong na usapang pangkapayapaan.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?