75

J-Wash balik-TNT sa ika-2 pagkakataon

Magbabalik sa ika-2 pagkakataon sa TNT KaTropa si Anthony Jay Washington tapos i-release nitong Huwebes ng Rain or Shine, naubusan ng puwesto sa PBA Philippine Cup at ilagak sa unrestricted free agent.

Kinumpirma nina co-team owner Raymond Yu at team manager/governor Atty. Mamerto Mondragon ang kinasapitan ng 37-year-olf Fil-Am dahil sa huling pagdating sa Elasto Painters mula sa pagbabakasyon sa Estados Unidos.

Binunot ang 6-foot-7 power forward na top pick overall sa 2005 Draft ng TNT na pinaglaruan niya hanggang 2008.

Nawala siya via trade at nagbalik sa Texters noong 2014-2015 saka nag-GlobalPort (NorthPort) bago nag-RoS.
Sinibak siya ni coach Caloy Garcia dahil sa huling pagbabalik-Pinas mula Tate. Hindi gumaya kina Gabe Norwood at Maverick Ahanmisi na dumating nang maaga kaya nanatili sa roster ng E-Painters.

Libre siyang napunta sa MVP Group na walang kapalit.

“J-Wash was the last to arrive from the States, so technically, ang ginawa ko sa pagpili sa lineup is the people who worked hard during the offseason,” ani Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?