166

Aug 22, 2021 @ 8:56
By

J. Rey Soul ibibirit PH natn’l anthem sa bakbakang Pacquiao vs Ugas

Si dating “The Voice Philippines” finalist Jessica Reynoso ang kakanta ng Pambansang Awit sa laban ni People’s Champ Manny Pacquiao kontra Cuban fighter Yordenis Ugas ngayong Linggo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, susuotin ni J. Rey Soul ng Black Eyed Peas ang isang Francis Libiran modern Filipiniana gown sa pagkanta niya ng “Lupang Hinirang.”


Taong 2013 nang sumali ang singer sa naturang show sa ilalim ng team ni Apl.de.Ap.

Noong 2019 naman nang isama siya ng rapper sa world tour ng kanyang grupong The Black Eyed Peas.

Nakatakdang ikasa ang bakbang Pacquiao vs. Ugas ngayong Linggo (Sabado sa Amerika) sa Las Vegas, Nevada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?