59
J.Lo, Alex Rodriguez engaged na!
By

J.Lo, Alex Rodriguez engaged na!

Inanunsiyo ng multi-awarded singer na si Jennifer Lopez sa Instagram ang kaniyang engagement sa boyfriend na si Alex Rodriguez ngayong Linggo, Marso 10.

Sa isang larawan na ipinost ni J.Lo sa IG, ipinakita nito ang kaniyang singsing na may malaking bato na nakasuot sa kaniyang daliri habang hawak naman ng boyfriend ang kaniyang kamay.

Ipinost din ni Rodriguez sa kaniyang IG ang parehong larawan.

“She said yes,” saad nito sa caption.

View this post on Instagram

she said yes ♥️

A post shared by Alex Rodriguez (@arod) on

Nagsimulang mag date ang dalawa noong Pebrero 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?