250

Oct 22, 2017 @ 11:55

Iza Calzado nakita ang namatay na ama sa painting ni Solenn

By REY PUMALOY

Isa si Iza Calzado sa mga na-touch ng art-painting exhibit ni Solenn Heussaff, ang #Kalsada. Naka-relate si Iza sa isa sa mga painting ni Solenn at dahilan para maalala niya ang kanyang yumaong ama na isang dating cultural dancer.

Pinoste ni Iza ang painting ni Solenn sa kanyang Instagram wall. Malalaman sa mensahe ni Iza na parehong naging ‘mananayaw’ ang kanilang mga magulang.

Ang ina ni Solenn ay isa ring cultural dancer gaya ng ama ni Iza na si Lito Calzado na dancer nga rin noon.

Nagpasalamat si Iza kay Solenn dahil ipinaalala nito ang kanyang ama at sabi pa na isa sa mga pinapangarap niyang sayaw ay ang ‘singkil’.

“Congratulations to the beautiful, brilliant, kind and uber talented @solenn for another amazing show called #Kalsada. This was my favorite one in the collection. It’s entitled ‘Bayanihan’ because of the folk dance group that Solenn’s mom and my dad were both part of.

“This is Solenn’s mom, Tita Cynthia as a Singkil Princess. Singkil is my dream dance and seeing this piece made me miss my Dad! Amazing how art can touch your soul,” sabi ni Iza.

“Big hugs.  Thank you so much for the kind words,” sagot naman ni Solenn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?