1,583

Jan 1, 2018 @ 14:37
By

Iza Calzado nagpaputok agad ng kaseksihan pagpasok ng 2018

Kung putukan lang ang paguusapan nitong kakatapos lang na pagsalubong sa 2018, hindi nagpahuli sa pagpapasabog nang kanyang alindog at kaseksihan si Iza Calzado.

Itinodo na nang mahusay na Kapamilya actress ang kanyang 2017 at nag-hello siya sa 2018 na may umuusok na kaseksihan sa tabing dagat nang Phuket, sa Thailand.

Nakaposte sa Instagram ni Iza ang larawan niyang nakaupo paharap sa dagat habang nagsa-sunbathing.

Enjoy na enjoy si Iza sa tinatanaw niyang view ng karagatan, na parang di sya aware na maging ang mga male followings niya sa IG ay nagi-enjoy rin sa pagtanaw sa kanyang natural resources.

Tunay namang napaka-seksi si Iza sa ganong pose nya na walang pretensyong mang-akit ng sinumang lalake. Basta, ang sa kanya ay namnamin ang dagat sa mga ganong oras.

Dating mataba si Iza na na-challenge nang pumasok siya sa showbiz at sa loob lamang ng halos isang taon ay napagtagumpayan nyang magpa-payat at magpa-seksi.

Mula noon ay hindi na tumaba pa uli ang aktres at nagtuluy-tuloy ang kanyang kaseksihan.

Isa pang larawan ni Iza ang talaga namang sumasabog at pumutok ay ang boobs-showing nya sa IG pa rin.

Kung too-rated ang boobs ni Pia Wurtzbach sa pelikulang “The Revengers”, box office naman ang boobs-cleavage ni Iza sa Thailand.

Bagay ang malaking ngiti o halakhak sa larawan ni Iza sa laki rin ng kanyang upper-bumper na parang hindi na kayang saluhin ng bra ang kabuuan nito.

Ganda, husay sa acting, talino at kaseksihan. Total package na ngang matatawag pa si Iza at suwerte ang kanyang mapapangasawang si Ben Wintle sa mga katangiang ito ng aktres. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?