206

By

Iza Calzado, ‘nabiktima’ ni Cherie Gil; tinawag na ‘The New Hilda Koronel’!

Sharing is caring!

Sa Instagram caption ni Noel Ferrer, manager ng Actress Extraordinaire at bida ng pelikulang “Distance” na si Iza Calzado, pang-twelve ‘victim’ na ang soon-to-be bride ni Ben Wintle sa #LaviniaChallenge ng seasoned at multi-awarded actress na si Cherie Gil.

Lavinia Arguelles ang karakter ni Cherie sa 1985 movie titled “Bituing Walang Ningning” ng Viva Films at pinagbibidahan ng megastar na si Sharon Cuneta.

Isa nang iconic line ang dialogue ni Cherie sa movie na “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat!” at maituturing na ring iconic scene ang eksenang ito nina Sharon at Cherie.

At ang kunyaring eksana nina Iza at Cherie.

Pasok ang star ng “Ngayon at Kailanman” ng ABS-CBN sabay bato ng dialogue ng “Ah, Miss Lavinia, nagustuhan mo ba ‘yung performance ko sa ‘Distance?’”

Banat ni Miss Lavinia (Cherie), “Ahh, you’re nothing but a second rate, trying hard, copycat!” kasabay sana ng pagbuhos ng tubig sa kausap pero nanghinayang si Cherie na ibuhos ang tubig sa damit ni Iza kaya kay Noel (manager ni Iza) na lang ito ibinuhos ng aktres.

Parehong magaling na aktres sina Cherie at Iza (have you watched her in “Distance” na showbing pa rin sa CCP at Ayala Malls cinemas until August 12).

Sa end ng video, nagyakap sina Cherie at Iza at tinawag nang una ang huli ng ‘The New Hilda Koronel!’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?