567

Dec 28, 2017 @ 10:31
By

Iza Calzado hindi nagpatalo sa kaseksihan sa Phuket

Hindi nagpahuli o nagpatalo si Iza Calzado sa mga kasabayang foreigner sa white sand island resort sa Phuket Thailand.

Kasama ang kasintahang si Ben Wintle, nagpunta nang Phuket si Iza para doon i-celebrate ang holiday season sa piling ng parents at kapatid nang nasabing fiancé nya.

Makikita sa Instagram ni Iza ang larawan niya sa tabing dagat habang kasama ang dalawang foreigner.

Nagkakatuwaan sina isa at ng isang Caucasian girl sa iisang buko na hawak nang babaeng nakasuot ng shades na napapagitnaan nilang dalawa.

Naka-bathing suit sina Iza at ang dalawa pa niyang kasama sa photo, pero hindi kayang sapawan nang kaseksihan nang dalawa ang alindog ni Iza.

Naka-side view ang aktres sa photo habang naka-step forward nang bahagya ang binti nito.

Magkaganon man, litaw na litaw pa rin ang kaseksihan ni Isa sa hubog ng kanyang katawan at sa malusog nyang dibdib na sumungaw sa cleavage nito.

Dagdag pang brown na brown ang skin color nang award-winning actress.

Madalang lang na mag-pose ng kanyang bikini photo si Iza at sa pagkakataong ito nakakabilib ang magandang porma ng kanyang katawan.

No wonder kung bakit hindi na pinatagal pa ni Ben ang engagement proposal nya kay Iza dahil kahit sinong lalake hindi gugustuhin pakawalan pa ang seksing babaeng gaya nang aktres. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?