446

Oct 27, 2017 @ 14:22

“Iyot” comment ni Andanar, ‘wag nang ulitin — Ejercito

Binatikos ni Senador JV Ejercito si Presidential Communications Secretary Martin Andanar dahil sa masagwang komentaryo ukol sa mga opisyal ng European Union (EU).

Ito ang pahayag ni Andanar na “kulang sa iyot kaya maligalig” ang mga opisyal ng EU.

Sa Bisaya, sex ang ibig sabihin ng “iyot”.

“That remark is uncalled for,” ayon kay Ejercito.

Iginiit pa nito kay Andara na huwag na iyong uulitin.

“I hope it doesn’t happen again,” dagdag nito.

Ilang mambabatas at pribadong samahan sa EU ang bumatikos sa madugong giyera laban sa droga ng administrasyong Duterte.

Iginiit din nilang pakawalan at tigilan ng political persecution si Senadora Leila de Lima. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?