135

Jul 29, 2021 @ 16:16
By

Iya Villania inspired kay Hidilyn Diaz, nagbuhat ng barbell

Tila gusto ring sundan ni Kapuso host Iya Villania ang yapak ni Pinay Olympian Hidilyn Diaz. Napabuhat kasi siya ng barbell matapos masungkit ni Diaz ang gold medal sa Weightlifting 55-kg category sa Tokyo Olympics 2020.

Makikita sa mga ibinahaging Instagram video ng 35-anyos na aktres ang pagbubhat niya ng weights at paggawa ng snatch.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?