27

Jan 5, 2022 @ 17:17
By

Iya Villania hirap na sa pagbubuntis

Struggle is real ang ikaapat na pregnancy ni Iya Villania.

Sa kanilang YouTube channel, inamin ni Iya na hindi maganda ang kanyang morning sickness.

“It’s been a little hard this time around. Medyo nag-struggle na ako to keep it as a secret because morning sickness this time has not been good. So, that’s been the hardest part,” kuwento ni Iya.

May pagkakataon din aniyang hindi na niya gusto ang mga pagkain o inuming type na type niya noon.

“The things that I used to like, hindi ko na masyadong type. Like I love curry but right now, it’s just not my thing. Even the juices that I would look forward to drinking in the morning and at night, hindi ko rin type,” saad pa niya.

Siguro raw ay dahil na rin sa edad niya kaya nakakaramdam siya ng mga ganito. Edad 35 na si Iya.

“It gets harder with age and I guess, with each kid.”

Kamakailan sinabi ni Iya na lalaki ulit ang kanyang ipinagbubuntis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?