41

Jun 7, 2021 @ 21:13
By

Iya, Drew bakunado na kontra COVID

Naturukan na ng unang dose ng coronavirus vaccine ang mag-asawang sina Drew Arellano at Iya Villania nitong Lunes ng umaga.

Kabilang sila sa 50 representatives mula sa A4 category na nakiisa sa ceremonial A4 vaccination event na ginanap sa Mall of Asia complex sa Pasay City.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-share si Iya ng ilang larawan nila sa pagpapabakuna.

“COVID-19 vaccinated. Well, first dose at least,” sabi niya sa isa sa mga photo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?