10

Apr 6, 2021 @ 13:15
By

Iwasan kulong, multa! Mga pasaway sa quarantine isalang sa community service – DOJ

Dahil sa hirap ng buhay dahil sa pandemya, nirekumenda ni Justice Secretary Menardo Guevarra na huwag nang pagmultahin o ikulong ang mga mahuhuling lalabag sa quarantine.

Mungkahi ito ni Guevarra sa mga local government unit (LGU), at sinabing pagawin na lang ng community service ang mga quarantine violator.

“I also recommended that in the stricter enforcement of our ordinances that our LGUs consider the possibility of imposing the penalty of community service for those who will continue to violate our ordinances rather than putting them in jail or fining them because life is tough these days,” saad ni Guevarra.

Sang-ayon naman si National Union of Peoples’ Lawyers president Edre Olalia, na tinuring na ‘positive idea’ ang suhestiyon ni Guevarra.

Aabot na sa 1.5 milyon ang mga Pinoy na lumabag sa health protocol sa huling tala ng Philippine National Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?