51

Oct 8, 2017 @ 11:24

Iwasan ang Edsa, Roxas Blvd. ngayong Linggo – MMDA

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista na iwasan hanggang maari ang pagdaan sa Roxas Boulevard at Edsa.

Ito ay dahil ilang bahagi ng Roxas Boulevard ang isasara ngayon, simula alas-2 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, dahil sa isasagawang convoy dry run kaugnay sa isinasagawang paghahanda sa 31st ASEAN Summit sa susunod na buwan.

Nabatid na isasara ang CCP Complex, na idineklara ng ASEAN Delegates Zone, maging ang south bound portion ng Roxas Boulevard mula P-Burgos st., hanggang Buendia o Gil Puyat Ave., para sa pag ensayo ng mga sasali sa ASEAN parade.

Bukod sa Roxas Boulevard, isasara rin ang southbound lanes ng SCTEX, NLEX at EDSA mula ala-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga.

Ang PNP Highway Patrol Group naman ay magpapatupad ng ‘stop & go policy’ habang dumadaan ang mga ASEAN delegates at VIPs. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?