33

Nov 15, 2021 @ 19:21
By

Iwas smuggling: Amyenda sa Customs Modernization Law umusad

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na amyendahan ang Customs Modernization and Tariff law upang madagdagan ang kita ng gobyerno at maiwasan ang smuggling.

Ang House Bill 9322 ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon ng plenaryo ngayong Lunes.

Sa ilalim ng panukala, papayagan ang Bureau of Customs (BOC) na kumuha ng pribadong auction house na siyang mago-auction ng mga nakumpiskang kargamento ng BOC. Sa ganitong paraan ay maiiwasan umano ang sabwatan ng empleyado ng BOC at pinapaborang bidder.

Magkakaroon na rin ng pre-shipment inspection sa mga kargamento para mas madaling matukoy kung tama ang idineklarang produkto na ipapasok sa bansa.

Ipadedeklara na rin sa mga common carrier ang halaga ng kargamento na ipapasok nito sa bansa.

Gagawin ding mas simple ang pagpapalabas ng alert order at warrants of seizure para mas mabilis ang paghuli sa mga smuggled na produkto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?